RSA MAY PERSONAL NA REGALO SA OLYMPIC MEDALISTS

on the spot- pilipino mirror

MAGBIBIGAY ng kabuuang P22-M cash reward si SMC president Ramon S. Ang sa mga atletang Pinoy na nag-uwi ng medalya sa katatapos na Tokyo Olympics.

Ang personal na regalo ni Ang sa mga atletang nagbigay ng karangalan sa ating bansa tulad ng naunang inihayag ng Philippine Olympic Committee (POC) bago ang Summer Games ay  P10 milyon para kay gold medalist at weightlifter Hidilyn Diaz,  tig-P5 milyon kina silver  medalists at boxers Carlo Paalam at Nesthy Petecio, at P2 milyon kay Eumir Marcial sa pagwawagi ng bronze.

“As a longtime partner and supporter of Philippine sports, I’m so happy for our athletes. All their hard work paid off. They’ve opened the eyes of so many Filipinos sports patrons, fans, and aspiring athletes that indeed, we Filipinos can compete and win against the best in the world in the Olympics. This is just the beginning. We have the momentum. We can only get stronger in the succeeding Olympics,” pahayag ni RSA.

“I’m especially grateful to Hidilyn, whom we’ve supported for several years now, for giving honor to the country by winning our very first Olympic gold medal. We can build on these successes to develop stronger sports programs and produce more Olympic winners like Hidilyn, Carlo, Nesthy, and Eumir,”dagdag pa nito,” dagdag pa niya.



Magandang balita naman ito para sa fans ng PBA. Posibleng magsimula na ulit ang liga sa darating na Aug. 22. Pinayagan na raw ang liga na bumalik sa Pampanga para ituloy roon ang mga laro na gagawin sa Angeles Unversity Foundation at malamang maisama ang Brent Guiao Coliseum. Dapat  ngayong August 15 magre-resume ang laro ngunit humiling ang mga koponan kung maaari ay magbalik-ensayo muna ang mga ito ng isang linggo bago sumabak sa bakbakan. Natigil ang laro nang mag-anunsiyo ang gobyerno na muling isasailalim sa ECQ ang buong NCR simula Aug. 6. Wala pa ang ECQ ay pinahinto na ni PBA Kume Willie Macial ang mga laro. Sa pagbabalik ng PBA 46th season ay gagawing apat na laro sa isang araw upang ang  nakanselang mga laro ay mahabol at matapos agad.



Isa kami sa masaya para kay Onyok Velasco na makatatanggap  ng incentive na  P500k para sa pagsungkit niya ng silver medal para sa boxing noong 1996 Olympics. Hindi natanggap ni Velasco ang ipinangako sa kanya noong panahong iyon pati na ang scholarship ng kanyang mga anak. Anyway, congrats, Onyok.

8 thoughts on “RSA MAY PERSONAL NA REGALO SA OLYMPIC MEDALISTS”

  1. 343780 395828Take a peek at the following guidelines what follows discover perfect way to follow such a mainly because you structure your small business this afternoon. earn cash 76484

Comments are closed.