NANGAKO ang Department of Agriculture (DA) ng buong suporta sa pagbuhay sa rubber industry kasunod ng pagbagsak nito dahil sa pandemya.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr., malaki ang potensiyal ng rubber sector, ng bansa, sa pagiging 13th largest producer ng natural rubber sa buong mundo.
Noong 2022, ang bansa ay nag-ambag ng one percent sa global rubber production, nagbigay ng total output na 109,000 metric tons.
Karamihan sa rubber exports ay nagmula sa Mindanao, kung saan halos 98 percent ng 234,600 ektarya ay nakalaan sa rubber cultivation noong 2022.
Gayunman, ang halaga ng Philippine rubber at rubber product exports sy bumaba noong 2022, sa $278.2 million mula $578.3 million noong 2021 dahil sa pagsasara ng processing at manufacturing facilities sa gitna ng COVID-19 mobility restrictions.
Upang makatulong sa pagbangon ng industriya, ang DA ay nagkakaloob ng suporta sa Philippine Rubber Research Institute (PRRI) sa pamamagitan ng pagbibigay ng imprastruktura at iba pang kinakailangang pasilidad.
Sa paglagda ng iba’t ibang kasunduan sa pagitan ng DA at ng PRRI, tiniyak ni Tiu Laurel ang commitment ng pamahalaan sa pagsusulong ng “more sustainable, resilient, and inclusive” na agricultural sector.
“Today, we set a new benchmark in our pursuit toward a brighter tomorrow for rubber farmers,” sabi ni Tiu Laurel.
Kabilang sa mga kasunduan na ito ang paglalaan ng 7.48-hectare property para sa research and development facilities ng PRRI, joint utilization ng umiiral na rubber testing laboratory sa Zamboanga Peninsula at ang extension ng tenure ng PRRI sa interim office.