NAPAKALAKING question mark kung may relasyon nga ba sina Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista. Kasi naman, nitong Pasko, inimbita ni Ruffa si Herbert sa Christmas party ng kanyang pamilya. Kasama nila ang buong Gutierrez family pati na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Vince, at ibang mga kaanak.
Magkatabi rin sina Ruffa at Herbert sa dining table habang kumakain kaya lalong naghinala ang mga netizens na may Milagro ngang nangyayari sa dalawa.
Pwede rin namang palabas lamang ito para gumawa ng ingay dahil nagkatambal sila bilang mag-asawa sa House Arrest of Us na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Pwede ring naging magkaibigan sila dahil din sa teleseryeng ito.
Unang ibinalita ni Kris Aquino na posibleng may namumuong ugnayan sa pagitan nina Ruffa at Herbert matapos sabihing may “beautiful girlfriend” si Herbert, matapos almahan ang tweet ni Herbert na #TOTGA o The One That Got Away na pinanghihinayangan niya. Nag-apologize naman si Herbert kay Kris at hangad daw nito ang kaligayahan ng ex, lalo pa at ikakasal na ito kay Mel Sarmiento.
Hindi naman pinatulan ni Ruffa ang isyu at sa halip ay nagpasalamat pa ito dahil marami raw ang nag-isip na “beautiful girl” siya, pero hindi raw talaga siya ang sinasabi ni Kris. Sinabi pa niyang hindi problema kung mas matangkad man siya kay Bistek o sa kahit sinong lalaking mamahalin nila, na lalo namang nagpaapoy sa isyu.
In fairness, boto naman pala si Annabelle kay Bistek para maging manugang.
Maayos umano ang pagkatao ni Herbert dahil dating Quezon City mayor daw ito at iniengganyo pa si Ruffa na bumalik sa pag-aaral kaya nag-enrol ang aktres sa online classes. — KNMARTIN