MASAYA at very excited si Ruffa Gutierrez dahil sa wakas ay magtatapos na siya sa darating na Hulyo. Ayon sa beauty queen/actress, ito ang dahilan kaya may mga araw na “absent” siya sa It’s Showtime.
“Nag-aaral ako. I had academic deadlines! Practicum ko na. Tomorrow ang last day ko. “I’m graduating college in July,” masaya niyang balita. “(It’s) never too late!”
Natagalan daw siya sa high school dahil maaga siyang nagtrabaho sa edad na 13. Naging running joke tuloy ito nina Vice Ganda tuwing nagi-interbyu sa mga Sexy Babe.
Ruffa is completing her Bachelor of Arts major in Communication Arts at the Philippine Women’s University under the Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program. Good job ka dyan Ruffa. It’s really never too late pagdating sa edukasyon. An investment in knowledge pays the best interest.
SARAH GERONIMO HINDI BUNTIS
TINULDUKAN na ni Matteo Guidicelli ang espekulasyong nagdadalang-tao ang kanyang popstar wife na si Sarah Geronimo.
Nagsimula ang ang usap-usapan ng mapansin ng mga netizen na tila may baby bump daw ang singer. Pero sabi ni Matteo, hindi totoong buntis si Sarah dahil hanggang ngayon ay seksing-sexy pa rin ang kanyang misis.
“Enjoy muna namin ‘yung pagiging mag-asawa,” ani Matteo. “Enjoy-in muna namin ang isa’t isa. Hopefully soon.”
Nitong February, nag-celebrate sila ng kanilang 2nd anniversary bilang husband and wife. Sa ngayon daw ay naka-focus ang attention ng asawa niya sa pagbi-bake, pero abala ang mag-asawa sa kanilang production company dahil magbubukas na sila ng studio. May project din daw silang kapartner ang Viva.
Ayan, malinaw nang hindi pa buntis si Sarah kaya tantanan n’yo muna sila.
BARBIE IMPERIAL-DIEGO LOYZAGA NAGKABALIKAN NA
MATAPOS pagpiyestahan sa social media ang controversial na hiwalayan nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga, nakitang muling magkasama ang dalawa. Muling nagdi-date ang dalawa dahil nakita silang magkasama dining at Pinto Museum.
Mukhang sunud-sunod ang magagandang nangyayari ngayon sa buhay ni Diego. Imagine, pagkatapos ng pitong taong hindi pagkakaunawaan, nagkaayos na sila ng kanyang amang si Cesar Montano. Si Diego ay anak ni Cesar sa aktres na si Teresa Loyzaga. Pinalaki siya sa Australia ng kanyang ina at nagbalik sa Pilipinas noong 2011.