RURAL LIFE  VS CITY LIFE

SABI nila, mas madaling umangat ang buhay ng mga taong nakatira sa siyudad kumpara sa mga naka­tira sa probinsya. Sa siyudad daw, mas mada­ling yumaman kumpara sa probinsya na mamumuhay ka ng simple at maliit ang sweldo.

Sa probinsya kasi, kadalasan, ang propesyon ay pagsasaka at pangi­ngisda. Yun nga lang, hindi siksikan ang bahay, at may mga punong pwedeng akyatin.

Sa siyudad, may night life at maraming fast food chains. Pwedeng hindi magluto. Sa probinsya, nahihingi lang ang gulay at isda kaya halos wala kang gastos sa pagkain. Mas mababa rin sa ang crime rates dito at bihira ang traffic sa kalsada.

Alam naman nating mas maliit ang populasyon sa probinsya kesa siyudad kaya konti lang ang available na trabaho. Sa siyudad kasi, libo-libo ang oportunidad para ma

paunlad ang career – at libo-libo rin ang kalaban para makuha ito.

Pero sa probinsya, sariwa ang hangin. May lugar para magbisikleta na hindi ka matatakot na masasagasaan ka ng malalaking trak. May panahon ka para maki­pag-commune sa nature – kung hindi man sa malawak na karagatan, sa tahimik na kabundukan.

 

Napakaraming kakaibang bagay na hindi mo makikita sa siyudad. Ang kalabaw at bakang nakikita lamang ng mga estudyante sa siyudad sa larawan, ay totoo at buhay na buhay na nakakasalamuha sa probinsya. Ang tilaok ng manok na sa recording lang ng alarm clock naririnig, ay siyang totoong gumigi­sing sa mga tagaprobinsya s aumaga.

Sa siyudad, magtitiyaga kang tumira sa maliit na interswelo o kung medyo malaki ang sweldo mo, sa apartment o condo.

Pero sa probinsya, dahil mas malaki ang lupa, pwedeng magpagawa ng malaking

bahay – sa mas murang halaga. Sa siyudad, araw-araw kang makikipaghabulan sa magulong takbo ng buhay, kung saan kasama na ang pakikisalamuha sa mga mandurukot at holdaper na nakakasabay mo sa pagsakay sa jeepney at bus. Sa probinsya, magkakakilala ang lahat ng magkakapitbahay, to the extent na pati buhay ng may buhay ay kasali sa kwento sa kanto. In other words, mas maraming tsismosa sa probinsya.

O, saan ka na? Siyudad o probinsya?. – LEANNE SPHERE

7 thoughts on “RURAL LIFE  VS CITY LIFE”

Comments are closed.