KUNG si Ruru Madrid ang tatanungin tungkol sa kanyang personal na buhay ay sagot ng binata na wala pa raw dalagang nagpapatibok ng kanyang puso. Ito ay sa kabila ng mainit na balita sa kanilang dalawa ni Bianca Umali.
Ani ng actor, naging magkaibigan sila ni Bianca at nagkapalagayan ng loob. Nabigyan ng chance ang dalawa nang magsama sa “Sunday PinaSaya” at parehong walang teleseryeng ginagawa. Nabuo ang pagkakaibigan sa mga friendly date pero naudlot naman ngayon ang dating madalas na samahan dahilan sa kapwa na naman sila bisi. Si Ruru sa kanyang “To Da One I love” kasama si Kylie, samantalang si Bianca naman ay sa “Sahaya” balik-tambalan nila muli ni Miguel Tanfelix kasama pa si Migo Adecer.
Naungkat ang katanungan kay Ruru dahil sa napababalitang magandang pagtitinginan ngayon ng dati niyang kaloveteam na si Gabbi Garcia at sa Kapuso singer/actor na si Khalil Ramos. Ayon sa Kapuso actor ay happy siya ngayon sa anumang estado ng personal na buhay ni Gabbi. At para kay Ruru, deserve naman daw talaga nina Gabbi at Khalil ang isa’t isa.
Sa ngayon ay focus na muna si Ruru sa “To Da One I Love” kasama si Kylie Padilla. Parang kasunod lang ng naudlot na tambalan nila noon ni Kylie sa “Encantadia” kung saan ay ‘namatay’ ang karakter ni Kylie. Happy naman si Ruru na muling nagbalik ang loveteam nilang KyRu. Marami raw kasing followers nila ang nagre-request na muli silang magsama sa isang proyekto.
GABBI GARCIA 2 TAON NANG KA-ON ANG ISANG KAPAMILYA ACTOR
HINDI na rin naman itinatago nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang magandang relasyon nila ngayon. Si Gabbi ay open na rin sa paglalagay ng photos na magkasama sila ni Khalil, samantalang ang actor naman ay vocal na vocal na rin sa pagsasabing halos 2 taon na rin naman silang may magandang relasyon ng aktres.
Marami ang nagsasabing malamang ay sa hiwalayan din mauuwi ang relasyon ng dalawa dahil sa oras para sa isa’t isa ang magiging sanhi ng kanilang hiwalayan. Say naman ng actor, nang magkakilala sila ni Gabbi ay iba na talaga ang estasyon na kinabibilangan nila. Nabuo raw ang friendship at nag-blossom into something beautiful relationship. Nagawan din nila ng oras ang kanilang pagdi-date kahit kapwa busy sa kanya-kanyang schedule.
Sabi pa ng actor, mas maganda raw ‘yung magkahiwalay sila ng estasyon para sabik na sabik daw sila sa isa’t isa ‘pag nagkikita. Isa sa nagustuhan diumano ni Khalil sa girlfriend ay pagiging strong woman nito. Suportado nila ang bawat isa sa mga binabalak nila sa buhay kahit maging sa karir.
Hindi raw nagiging hadlang ang sinuman sa may gustong mag-grow sa personal na buhay at sa karir. Tulad na lang ng balak ng singer/actor na magpunta sa ibang bansa para mag-aral. Aprub ito kay Gabbi kahit pa sabihin na magka-kahiwalay sila ng matagal. Para kasi kay Khalil, saan man sila mapunta o anuman ang kanilang ginagawa, still they belong to each other pa rin, as in, malaki ang tiwala nila sa isa’t isa.
Comments are closed.