(Sa 2019 PBA Rookie Draft) SINO ANG TOP PICK?

PBA ROOKIE DRAFT-2

TULAD noong 2016, ang 2019 PBA Rookie Draft ay magiging isang two-part draft proceeding,  kung saan isasagawa ang special draft sa Gilas prospects bago ang regular draft.

May kabuuang 67 players ang umaasang matatawag ang kanilang pangalan at magkaroon ng katuparan ang kanilang mga pangarap sa pinakahihintay na annual draft sa Robinson’s Place Manila ngayong Linggo, simula sa alas-3 ng hapon.

Sina Ateneo players Isaac Go, Matt at Mike Nieto, San Sebastian’s Allyn Bulanadi at UE’s Rey Suerte ang limang players na inilagay sa isang special pool para sa special dispersal sa Columbian Dyip, Blackwater, NLEX, Alaska at Rain or Shine.

Ang naturang limang players ay inaasinta ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na mapasama sa Gilas program para sa susunod na FIBA World Cup na iho-host ng bansa sa 2023.

Noong 2016, ang PBA ay nagsagawa rin ng special draft para kina noo’y  Gilas cadet players Mac Belo, Matthew Wright, RR Pogoy, Jio Jalalon, Kevin Ferrer, Mike Tolomia, Carl Bryan Cruz, Von Pessumal, Ed Daquioag, Russel Escoto, Arnold Van Opstal at Alfonzo Gotladera. Sa regular draft noon, si Raphael Banal ang top choice ng Blackwater.

Ang Dyip, Elite, Road Warriors, Aces at Elasto Painters ay pipili kina Go,  Nieto twins, Bulanadi at Suerte. Subalit ang mga koponang ito ay magkakaroon lamang ng karapatan sa nasabing mga player, at maililista lamang ang mga ito sa sandaling pakawalan sila ng SBP sa Gilas service.

Sa pagkakasama ni Go sa special draft at hindi sa regular pool, ang katanungan ngayon ay kung sino ang magiging top pick sa 2019 draft.

Ang Columbian ang unang pipili, susunod ang Blackwater sa No. 2, NLEX sa No. 3, Alaska sa No. 4,  Rain or Shine sa Nos. 5-7, NorthPort sa No. 8, Magnolia sa  No. 9, Barangay Ginebra sa No. 10, TNT KaTropa sa No. 11 at Columbian sa No. 12.

Sa second round ay ang  Ginebra, Blackwater, NLEX, Alaska, Alaska, Meralco, Rain or Shine, NLEX, Magnolia, Ginebra, Rain or Shine at NorthPort.

Dalawang Ateneo stalwarts sa katauhan nina Adrian Wong at Vince Tolentino, Adamson’s Sean Manganti, Letran’s Jeric Balanza at Bonbon Batiller, twin brothers Jayvee at Jaycee Marcelino ng Lyceum, William McAloney ng EAC, Cris Dumapig ng CEU, Gwen Combo ng FEU, Kid Montalbo ng La Salle, Michael Salado ng Arellano, Christopher Bitoon ng St. Clare at Rian Michael Ayon-ayon ng  PCU ay kabilang sa mga kilalang hopefuls.

Comments are closed.