LUMAGO ang ekonomiya ng Pilipinas sa 7.4% sa second quarter ng 2022.
Mas mababa ito kumpara sa 8.2% na naitala sa first quarter ng 2022 at sa 12.1% sa kaparehong quarter noong 2021.
Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang services sector ang may pinakamalaking ambag sa second quarter growth na 5.5% na sinundan ng sektor ng industry sector sa antas na 1.9%
“The decline in the services sector can be accounted from the decline also in the household final consumption expenditure,” paliwanag ni PSA chief Dennis Mapa, iniulat ang 2.7% pagbaba sa household spending mula sa unang tatlong buwan ng taon.
Lumago naman ang industrial sector ng 6.3% annually at 0.2% quarter-on-quarter habang ang agriculture, forestry, at fishing ay nagtala ng 0.2% paglago year-on-year at 0.9% kumpara sa first quarter.
Ito na ang ika-5 sunod na quarter na nakapagtala ng paglago ang ekonomiya mula sa second quarter ng 2021.
Sinabi ng pamahalaan na makaaasa ang mga mamamayan na sisikapin nito na patatagin pa ang ekonomiya sa pamamagitan ng patuloy na risk management protocols, malawakang bakunahan, at full resumption ng domestic activities.