NASA huling yugto na ng pagbusisi ang 5-Man Advisory Group (5-MAG) sa isinumiteng courtesy resignation ng mahigit 900 3rd level officer ng Philippine National Police (PNP) na kinabibilangan ng generals at full colonels.
Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Col. Redrico Maranan kahapon ng umaga kung saan nagsagawa ng evaluation ang grupo sa Camp Crame.
Ani Maranan, kumpleto ang 5-MAG na kinabibilangan ni Azurin, Baguio City Mayor Benjamin Magalong, former MGen. Isagani Nerez, dating Defense Secretary Gibo Teodoro at retired Court of Appeals (CA) Associate Justice Melchor Q. Sadang.
Ang nasabing evaluation ay bahagi ng massive internal cleansing sa organisasyon na nais na makumpleto bago ang retirement ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.
Kapag nakumpleto na, agad nang isusumite kay Interior Secretary Benhur Abalos para sa karampatang rekomendasyon kay Pangulong Bongbong Marcos.
EUNICE CELARIO