EPEKTIBO sa Linggo, Setyembre 4 ay ilalagay ng Philippine National Police (PNP) sa pinakamataas ang kanilang alerto hanggang Setyembre 7.
Ito ay dahil nasa labas ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang unang state visit.
Kinumpirma ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. na nakataas ang kanilang alerto habang nasa apat na araw na state visit ang Pangulong Marcos.
Paliwanag ni Azurin na standard operating procedure ang paglalagay ng PNP sa pinakamataas na alerto kapag wala ang Pangulo ng bansa.
Maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nagpapatupad din ng red alert kapag nasa labas ng bansa ang commander in chief dahil sa official function nito.
Bukas ay tutulak si PBBM sa Indonesia hanggang Setyembre 6 at didiretso sa Singapore hanggang Setyembre 7 na siyang kauna-unahan nitong state visit bilang Pangulo ng Pilipinas. EUNICE CELARIO