(Sa 4th quarter ng 2022)HOUSING PRICES SUMIPA

TUMAAS ang housing prices sa fourth quarter ng 2022, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos ng BSP, ang housing prices sa huling quarter ng 2022 ay mas mataas ng 7.7 percent kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.

Gayunman, sinabi ng central bank na kung ihahambing sa third quarter, ang residential real estate prices ng iba’t ibang uri ng bagong housing units sa buong bansa ay mas mabagal na tumaas sa 2.2 percent.

Mas mabilis naman na tumaas ang presyo sa National Capital Region kung saan ang residential real estate property prices ay tumaas ng 16.1 percent.

Samantala, sa Areas Outside the NCR (AONCR), ang residential property prices ay tumaas ng 4.5 percent, kung saan nagmahal ang lahat ng uri ng housing units, maliban sa townhouses.

Mas mataas din ang halaga ng bagong housing units sa NCR , ayon sa BSP.

Bagama’t ang average appraised value ng bagong housing units sa bansa ay nasa P74,776 per square meter (sqm) noong Q4 2022, sa NCR ay nasa P127,175 per sqm.

Ang halaga ay mas mataas kapwa sa national average at sa average appraised value sa AONCR sa P49,475.