SUSPENDIDO ang operasyon ng Light Rail Transit line-1 sa nalalabing weekends ng Abril upang bigyang-daan ang maintenance works.
Ayon sa Light Rail Manila Corp, walang biyahe ang LRT-1 sa Abril 17 at 18, gayundin sa Abril 24 at 25, para tapusin ang rehabilitation works na sinimulan noong Holy week.
“Maintenance work set for the 2 weekends include maintenance of trains, stations and other systems as well as the replacement of overhead catenary wires,” ayon sa operator.
Ang naturang weekends ay gagamitin din para pabilisin ang paghahanda para sa commercial use ng bagong Generation-4 train set sa fourth quarter.
“The riding public is advised to be guided accordingly and plan their essential trips ahead during this period,” anang LMRC.
Ayon sa LRMC, magdedeploy ang Department of Tourism (DOTr) ng public utility buses sa Route 17 (Monumento to EDSA via Rizal Ave/Taft Ave) bilang suporta sa pansamantalang pagtigil ng biyahe ng mga tren.
Comments are closed.