(Sa bakunadong OFWs, balikbayan) QUARANTINE PERIOD BAWASAN

Bernadette Romulo-Puyat

IMINUNGKAHI ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na igsian sa pito mula sa 10 araw ang quarantine period para sa overseas Filipino workers (OFWs) at balikbayan na bakunado na laban sa COVID-19 para muling mapasigla ang imdustriya ng turismo.

Ayon kay Puyat, ang kanyang panukala ay ipinarating na niya sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at tatalakayin ng mga health expert.

Binigyang-diin niya na ang mga balikbayan ang ikatlo sa pinakamalking merkado ng turismo sa bansa at nagiging hadlang sa kanilang pag-uwi ang kinakailangang 10-day quarantine period.

“The protocols for the fully vaccinated and the non-vaccinated is the same. So we proposed to the IATF if it is possible to have a different protocol for the fully vaccinated individuals,” sabi ng kalihim.

Aniya, sa Thailand ay ipinatupad na rin ang pitong araw na quarantine period para sa mga fully vaccinated.

“The point is, we have to start somewhere. It is like a test. If the DOH allows to reduce it to seven days, at least it is not 10 days. We can encourage more people to come. Just to test at least and it is not like we are the first (country to do this) but this will be discussed with the DOH,” dagdag ni Puyat.

Hindi naman nililimitahan ng DOT sa panukala nito ang vaccine brand na ginamit ng mga OFW at balikbayan.

7 thoughts on “(Sa bakunadong OFWs, balikbayan) QUARANTINE PERIOD BAWASAN”

  1. 674559 972044BTW, and I hope we do not drag this too long, but care to remind us just what kind of weapons were being used on Kurds by Saddams army? Towards the tune of hundreds of thousands of dead Talk about re-written history 391749

Comments are closed.