INAASAHANG mag-mamahal pa ang lechon pagpasok ng bisperas ng Bagong Taon.
Ayon kay La Loma Lechoneros Association president Ramon Ferreros, ang dagdag-presyo ay dahil sa paglaki ng demand at sa pagtataas ng presyo ng mga supplier.
Mahal umano ang hango ng mga biyahero sa mga baboy galing sa Visayas.
Ang pinakamurang lechon sa La Loma ay nagkakahalaga ng P8,000 at ang pinakamahal ay P18,000.
Nitong Pasko ay tumaas ang presyo ng lechon ng hanggang P1,000.