MAHIGIT na sa 4.47 milyon ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,476,994 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi ang Estados Unidos na may 649,680.
Sumunod ang Brazil na may 576,730 na nasawi.
Nasa 436,396 naman ang nasawi sa India habang 255,452 sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:Peru – 197,944, Russia – 178,423, United Kingdom – 132,003, Indonesia – 129,293, Italy – 128,914, Colombia – 124,474, France – 113,665, Argentina – 110,966.
Lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 214,762,361 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 192,097,283 ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Comments are closed.