(Sa cadet recruitment) ‘ONE-YEAR SUSPENSION’ SA PMA IPIPILIT

Alfredo Garbin Jr.

IPIPILIT ni House Committee on Justice Vice-Chairman at AKO Bicol party-list Rep.Alfredo Garbin Jr. ang mungkahing itigil muna sa loob ng isang taon ang pagkuha ng mga bagong kadete sa Philippine Mi­litary Academy (PMA) ay naaayon lamang at hindi maaaring ituring bilang isang mabigat o marahas na hakbang.

Ayon sa AKO  Bicol partylist congressman, ang hirit niyang ‘one-year suspension’ para sa recruitment ng PMA cadets ang siyang nakikita niyang paraan upang mabigyan ng panahon ang liderato ng tinaguriang ‘premiere military school’ ng bansa na resolbahin ang nakasusuklam na mga insidente ng hazing sa kanilang institusyon.

“Suspending just for one year or one cycle the recruitment of new cadets into the Philippine Military Academy is proportionate, proper, and not drastic. Having 52 cadets in confinement, at least 27 new maltreatment cases, and the newly-discovered hazing videos on top of the still pending Darwin Dormitorio prove that my recommendation is a proportionate solution to the hazing situation in PMA,” ang sabi pa ni  Garbin.

“The lives, safety, and honor of 52 cadets were in mortal danger. That is no small matter,” dugtong niya.

Giit ng ranking house official, kung ang pina­ngangambahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magkukulang ang ‘junior officers’ sa iba’t ibang sangay nito kapag nahinto ang pagpasok ng mga bagong kadete sa PMA, maaari namang i-promote ang ibang ‘non-commissioned personnel’ gayundin ang paglalagay sa ‘active status’ sa ilang ranking reservists nito.

“Besides, the impact of my proposal on the supply of new officers would not be immediately felt. The supply impact would be at least four years into the future. Kapag gusto, may pa­raan,” mariing pahayag ni Garbin.

Maging ang inaasahang pagbuhay sa Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa senior high school ay maaaring magresulta sa pagtaas ng bilang ng mga magnanais na pumasok sa military service.

Kamakalawa ay naglabas ng pahayag si AFP Chief of Staff, Lt. Gen. Noel Clement kung saan nakasaad ang mahigpit niyang pagtutol sa naturang kahilingan ni Garbin.

“If we stop the recruitment of cadets for the PMA, it’s going to affect the profile of the armed forces in as far as all our officers are concerned. PMA produces the biggest bulk of the junior officers that we have,” ang tugon ng pinuno ng AFP. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.