AAKITIN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mas maraming negosyante mula sa China na mag-invest at magnegosyo sa Pilipinas sa paglahok ng bansa sa China International Fair for Investments and Trade (CIFIT) 2022.
Sa pamamagitan ng investment promotion agency nito, dinala ng Board of Investments (BOI) ang “Make It Happen in the Philippines” campaign sa CIFIT sa Xiamen, China mula Sept. 8-11.
Tampok sa “Make It Happen in the Philippines” campaign ang limang key sectors para sa investments na kinabibilangan ng electronics, automotive, aerospace, copper, at information technology and business process management.
Ayon sa BOI, target nito na makakuha ng investors mula sa China, partikular sa mga larangan ng high technology manufacturing industries, tulad ng electronics manufacturing services, medical devices, electric vehicles, battery manufacturing, green metals, hyperscale computing, innovation and start-ups, at renewable energy.
“The country’s participation in CIFIT builds up the country’s standing as a preferred investment location for Chinese companies. It moreover reflects the government’s recognition of China as a priority market,” pahayag ng BOI.
Ayon sa BOI, ang bansa ay nakakuha ng mahigit sa P506 billion halaga ng project proposals sa paglahok nito sa CIFIT noong nakaraang taon.
PNA