(Sa cigarette smuggling) P30-B KITA NAWAWALA SA GOV’T

sigarilyo

BILYON-BILYONG piso na ang nawawalang kita ng bansa dahil sa cigarette smuggling.

Sa pagdining ng House Ways and Means Committee, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng komite, na aabot sa P30 billion ang lugi ng pamahalaan taon-taon dahil sa iligal na pagpasok at bentahan ng tobacco products.

Tinukoy rin ng kongresista ang ecozones na isa sa mga nagagamit na avenue sa iligal na kalakalan ng sigarilyo dahil sa maluwag na pagpapatupad ng batas.

Dahil dito, hinimok ni Salceda ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC), at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na tugisin ang mga cigarette smuggler para matigil na ang illegal trade ng mga sigarilyo.

Iginiit ng kongresista ang oversight powers ng komite upang maobliga ang BOC na magsagawa ng programa katulad sa “Run Against Tax Evaders” o RATE ng BIR.

Umapela rin si Salceda sa BIR na baligtarin ang Revenue Regulation (RR) 9-2015 na nag-e-exempt sa mga cigarette manufactur-er sa tax stamps para sa exports at sa halip ay obligahin ang mga ito na magkaroon na ng unique identifi-cation codes (UIC).

Tulad, aniya, sa krudo ay dapat maging mahigpit din ang gobyerno sa tobacco products dahil ito ay itinuturing na high-ly-regulated product at lantad sa pang-aabuso..

Nangako naman si BIR Commissioner Caesar Dulay na ire-reverse nila ang nasabing polisiya para tuluyang makontrol ang illicit trade ng tobacco products sa bansa. CONDE BATAC

20 thoughts on “(Sa cigarette smuggling) P30-B KITA NAWAWALA SA GOV’T”

Comments are closed.