(Sa COVID-19 vaccination program) SEAFARERS SWAK SA PRIORITY LIST

MAGKAKAROON ng “special considerations” ang Department of Health (DOH) para sa Filipino seafarers upang maipasok sila sa priority list ng Covid-19 vaccination program ng gobyerno.

Sa media forum ng DOH, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na ikinokonsidera naman ang lahat para sa bakuna laban sa COVID-19 ngunit, sa ngayon ay mayroon nang nakalista na priority base sa scientific evidence na mayroon ang ahensiya.

Dagdag pa ni Vergeire, kinuha ang priority listing base na rin sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) at ng mga eksperto para sa immunization.

Paliwanag ng opisyal, ang lahat na nasa priority list ngayon ay mga vulnerable na madalas sila ang mga naoospital at namamatay dahil sa sakit.

Gayunpaman, pagdating naman sa mga Filipino seafarers, maging sa OFWs ay kasama na sa ginagawang pag-uusap at sa sandaling maiayos na ang pakikipag-ugnayan ay saka pa lamang magbibigay ng kakukulang impormasyon ang DOH.

“Though we can consider them as part of those workers that we would prioritized”, ayon pa kay Vergeire.
Magugunitang una na ring hiniling ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa DOH-IATF ang pagbibigay prayoridad sa mga Pinoy seafarer. PAUL ROLDAN

Comments are closed.