(Sa Easter Sunday) PRESYO NG BABOY TUMAAS ULIT

baboy

MULING sumipa ang presyo ng baboy sa ilang pamilihan sa Metro Manila matapos ang ilang araw na hindi pagkain ng karne sa paggunita sa Semana Santa.

Sa monitoring ng PILIPINO Mirror sa ilang pamilihan sa pagdiriwang ng Easter Sunday kahapon, umaabot na sa P350 kada kilo ang presyo ng kasim at pigue habang P380 kada kilo naman ang liempo.

May ilang vendors naman na nagtaas ng presyo sa P310 hanggang P340 kada kilo mula sa dating P295 kada kilo

Magugunitang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupd ng price cap na P270 kada kilo sa kasim at pigue habang sa liempo naman ay P300 kada kilo. Nasa P160 kada kilo naman ang price ceiling ng manok.

Ito ay makaraang sumipa sa mahigit P400 kada kilo ang presyo ng baboy noong Enero dahil sa kakulangan sa suplay dulot ng African Swine Fever.

Ang price ceiling sa baboy at manok na itinakda ng pamahalaan ay mapapaso na sa Abril 8 at pinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) ang susunod na hakbang dahil inaasahan nang muling tataas sa P400 o higit pa ang presyo ng kada kilo ng baboy.

4 thoughts on “(Sa Easter Sunday) PRESYO NG BABOY TUMAAS ULIT”

  1. I was looking for another article by chance and found your article safetoto I am writing on this topic, so I think it will help a lot. I leave my blog address below. Please visit once.

Comments are closed.