(Sa first quarter ng 2022) PH ECONOMY LUMAGO NG 8.3%

Karl Kendrick Chua

LUMAGO ang ekonomiya ng Pilipinas ng 8.3%  sa unang tatlong buwan ng taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang numero ay mas mataas sa  7.8% na paglago na naitala sa huling tatlong buwan ng 2021 at sa  -3.8% mula Enero hanggang Marso ng nakaraang taon.

Ang main contributors sa paglago sa first quarter ng taon ay ang manufacturing na lumago ng 10.1%; wholesale and retail trade at  repaid or motor vehicles and motorcycles, 7.3%; at transportation and storage na lumago ng 26.5%.

Pagdating sa major economic sectors, ang agriculture, forestry, at fishing ay lumago ng 0.2%; industry ng 10.4%; at services ng 8.6%.

Ang household spending ay tumaas ng 10.1%, habang ang government spending ay 3.6%.

“I think that the big driver of this growth is our full reopening of our economy. I think that is the single most important driver,” wika ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua.

Ang Metro Manila at pitong iba pang lalawigan ay isinailalim sa mas maluwag na Alert Level 2 simula February 1, 2022, mula  Alert Level 3 noong Enero.

Ayon kay Chua, ang pinakabagong economic growth ng bansa ang pinakamabilis sa East Asia, at mas mataas na ngayon sa pre-pandemic levels.

“The pandemic may have pushed back our timetable, but not our targets and our resolve,” ani Chua.

Aniya, irerekomenda ng  National Economic and Development Authority (NEDA) na panatilihin ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang 7% hanggang 9% target range para sa taon.