INAASAHAN ni Tim Cone ang pagbabalik ni Japeth Aguilar sa Barangay Ginebra sa PBA Governors’ Cup finals, kung hindi sa Game 1 ay posibleng sa duration ng best-of-seven series kontra TNT.
Ayon kay Cone, ang 6-foot-9 na si Aguilar ay hindi pa bumabalik sa ensayo, ngunit ang mahigit isang linggong break bago ang pagsisimula ng the series opener sa April 9 sa Araneta Coliseum ay magbibigay sa veteran big man ng sapat na panahon para makarekober at makapaghanda sa kanyang pagbabalik.
“Barring any setbacks, there’s a chance he could be ready by Game 1,” sabi ni Cone. “With the 10-day break, that might put him in a position that he might play in Game 1. But we expect him back at some point in the series.”
Si Aguilar ay hindi pa naglalaro magmula noong Feb. 10, kabilang ang buong playoffs, habang patuloy na nagpapagaling mula sa MCL injury na kanyang natamo sa 114-111 panalo kontra NLEX.
Ang kanyang pagbabalik ay tiyak na magiging major boost sa kampanya ng Ginebra na mapanatili ang titulo laban sa top seed TNT.
Ayon kay Cone, matapos ang halos dalawang buwang pahinga, si Aguilar ay malapit nang bumalik at bagama’t hindi pa ito nag-eensayo sa Kings, nagsimula na, aniya, itong magsagawa ng one-on-one, at two-on-two drills sa practice.
“There’s nothing written in stone,” dagdag ng Ginebra coach. “But there’s an opportunity he could be ready for Game 1. We’ll see.”
Nakumpleto ng Ginebra ang three-game sweep ss San Miguel sa semis para makausad sa finals ng season-ending conference sa ika-5 pagkakataon sa huling anim na edisyon.
CLYDE MARIANO