HINDI muna ipatutupad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 3% hanggang 5% price hikes sa basic goods sa layuning mapagaan ang pasanin ng mga consumer sa gitna ng hard lockdown sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Noong Hulyo ay inaprubahan ng DTI ang kahilingan ng mga manufacturer na payagan ang pag-tataas sa retail prices ng basic goods na nanatiling walang pagbabago magmula noong Setyembre 2019.
Kabilang sa mga ito ang sardinas, canned meat, noodles, gatas at kape.
Ang pag-apruba sa dagdag-presyo ay isinagawa ng DTI makaraang alisin ang lmonths-long price freeze sa basic goods noong July 9.
“Thanks to Sen. Imee. Yes, we have postponed any adjustment on SRPs, [especially] during ECQ,” wika ni Lopez.
Kamakailan ay hiniling ni Senadora Imee Marcos sa DTI na ipagpaliban ang taas-presyo hanggang hindi inaalis ang hard lockdown sa maraming lugar.
“We need to help keep down costs for ordinary households because social welfare subsidies or ‘ayuda’ are not limitless and their distribution will be staggered,” sabi ni Marcos.
Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) hanggang Aug. 20, habang ang Bataan ay hanggang Aug. 22. Ang Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro ay nasa ilalim din ng pinakamahigpit na uri ng lockdown hanggang Aug. 15.
211395 555272The next time I just read a weblog, I really hope which it doesnt disappoint me up to this one. Get real, Yes, it was my choice to read, but I personally thought youd have something fascinating to convey. All I hear can be a handful of whining about something you could fix in the event you werent too busy trying to find attention. 347404
96729 569108Glad to be one of numerous visitants on this wonderful internet web site : D. 286765
160505 274567I respect your piece of work, appreciate it for all of the fascinating content . 537091
35421 80179extremely good post, i in fact love this internet internet site, carry on it 224860