HINIMOK ni Senador Mark Villar ang mga kinauukulang ahensiya na tingnan ang sitwasyon ng mga construction worker sa harap ng mga naitalang heat-induced accidents at deaths sa naturang mga manggagawa.
Sinabi ni Villar na dapat aksiyunan agad ng gobyerno ang mga ganitong isyu.
“Nakababahala na po ang heat index natin ngayon dahil talagang marami na ang naapektuhan. We received reports of accidents and deaths caused by the extreme heat. Kailangan na po nating aksiyunan ito at magkaroon ng preventive measures na mababawasan ang exposure sa init ng ating mga manggagawa,” ani Villar.
Ayon sa Department of Health, nakapagtala sila ng 77 heat-related illnesses at 7 heat-related deaths mula noong Enero.
Sinabi ng senador na ang mga kasong ito ay dapat magsilbing wake-up call para magkaroon ng “appropriate adjustments and consideration” sa mga manggagawa.
“Noong nakaraang linggo ay mayroon po na mga traffic enforcers and construction workers na pumanaw dahil sa kanilang over-exposure sa araw. Ang mga kaso po nila ay isang wake-up call para sa ating lahat para magkaroon ng mga appropriate adjustments and consideration para sa kanila,” sabi ni Villar.
Hinimok niya ang mga local government unit na tingnan ang mga pagsasaayos sa oras ng trabaho, kasuotan sa trabaho, at rotational shift ng mga manggagawa.
“As much as possible, gusto po nating ma-minimize ang effect ng mataas na temperature sa ating mga manggagawa and at the same time, be ready for the worst case. I am urging our LGUs to look into how they could provide additional aid to our construction workers and enforcers to minimize their exposure to the heat,” dagdag pa ng senador.
LIZA SORIANO