(Sa gitna ng pandemya) KARAPATAN SA PAGBOTO NG SENIOR CITIZENS HUWAG BALEWALAIN

Stella Quimbo

HABANG pinag-aralan ang prosesong dapat maipatupad alinsunod sa ‘new normal’, binigyan-diin ng isang ranking official ng minority bloc sa Kamara ang pangangailangang masigurado na hindi magiging balakid ang pandemya sa karapatan ng senior citizens partikular ang kanilang pagboto.

Kaya naman inihain ni House Assistant Minority Leader at Marikina City 2nd Dist. Rep. Stella Quimbo ang House Bill No. 07572, para magpatupad ang Commission on Elections (Comelec) ng pagboto sa pamamagitan ng postal mail para sa mga nakatatanda.

Ayon sa Marikina City lady lawmaker, mas peligroso para sa may edad 60 na taong gulang pataas ang kinatatakutang novel coronavirus 2019 o Covid 19, patunay rito ang datos na 59 porsiyento ng mga nasawi dahil sa nasabing karamdaman ay pawang senior citizens.

Sinabi ni Quimbo na nakaraang 2019 elections, sa kabuuang 61.8 milyon na registered voters, 9.1 milyon dito ay senior citizens kung kaya hindi dapat mangyari na hindi makaboto ang mga ito mayrookn man o walang umiiral na pandemya.

“We cannot allow the disenfranchisement of our elderly population just because there is an ongoing pandemic. Masisiguro po ng postal voting para sa mga may edad ang pagtataguyod sa kanilang karapatang bumoto samantalang naaalagaan ang kanilang sarili. Rights like suffrage are inherent in a democratic country like ours. Kaya tungkulin ng Gobyerno na protektahan ang kanyang mamamayan pati ang kanilang karapatan, may pandemya man o wala. This measure will allow the Government, especially the COMELEC, to do just that.” Ang mariing sabi ni Quimbo. ROMER R.BUTUYAN

Comments are closed.