Kasunod ito ng mga reklamo ng isang vlogger at isang online seller na bumisita sa kanilang tahanan ang ilang ahente mula sa ahensiya upang magtanong tungkol sa pagbabayad nila ng buwis.
Sinabi ni Tulfo na kung talagang gusto ng gobyerno na mangolekta ng seryosong pera sa pamamagitan ng pagbubuwis, dapat ay nakatuon ang pansin nito sa malalaking isda, tulad ng big-time oil smugglers.
“Bakit ‘di nila unahing habulin ang mga big-time oil smugglers na limpak-limpak na pera ang puwede nilang makolekta kumpara sa mga vloggers at individual online sellers na alam naman nilang barya-barya lamang ang makokolekta nila?” ani Tulfo.
Bagama’t kinikilala niya na ang mga Pilipinong kumikita ay dapat magbayad ng kaukulang buwis gaya ng nakasaad sa batas, nanindigan si Tulfo na “dapat malaman ng gobyerno ang kanilang mga prayoridad kung ang kanilang intensiyon ay i-maximize ang kita ng estado sa pamamagitan ng pagbubuwis.”
Ipinunto ni Tulfo, chairperson ng Senate Committee on Energy, na bilyon-bilyong piso ang makokolekta taon-taon kung gagawin lamang nang maayos ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang trabaho sa pagpigil sa oil smuggling.
LIZA SORIANO