SOBRANG nakaka-exhaust ang bagong teleseryeng ginagawa ni Kris Bernal sa Siyete, ang “Hanggang Sa Huling Buhay Ko,” kung saan ay lalabas siyang revengeful ghost. Bigay na bigay ang kanyang physical power sa karakter para magampanan ng husto ang kanyang role.
Kaya halos ibagsak na ni Kris ang kanyang katawan sa kama pagkatapos ng shooting.
Pero imbes na rest na si Kris after shoot sabak na naman siya sa panibagong chapter ng kanyang buhay, ang pagiging isang negosyante. Kahit pagod na pagod na si Kris sa taping ay personal pa rin ang pangangasiwa niya sa kanyang mga negosyo, lalong-lalo na sa kanyang bagong tatag na cosmetic business, ang She Cosmetics.
Andiyan pa rin ang kanyang food business. Kaya nga minsan ay nailalabas niya ang kanyang stress at pressure sa bisnis at showbiz sa kanyang social media account sa pagsasabing parang gusto na niyang bumigay at mag-quit. Pero lumalakas lang daw ang kanyang loob sa pagpapatuloy ng ginagawa dahil sa kanyang very supportive na family. Heto na rin ang nagbibigay sa kanya nang payo na malayo-layo na rin ang kanyang narating sa buhay.
RUFA MAE QUINTO TANGGAP KUNG ‘DI NA SIKAT
LABIS-labis ang saya ni Rufa Mae Quinto nang mapasama siya sa isang pelikula kung saan ay bida ang kanyang iniidolo na si AiAi Delas Alas, sa “And Ai, Thank You”. Bukod kasi sa muling nakasama ang idolo ay parang nagsisimula na ulit itong si Rufa Mae sa kanyang showbiz career, dahil sa tagal na ng huling pelikula niyang nagawa at ngayon lang ito nasundan.
Say ni Rufa, hindi niya rin akalain na muli siyang papasok sa paggawa ng pelikula dahil noong nanganak siya at lomobo ng husto ang katawan, feeling ni Rufa Mae, end na talaga ng kanyang showbiz career. Laking pasalamat ng komedyana nang muli siyang mabigyan pansin.
Hindi ba ganun kadali kay Rufa Mae na tanggapin sa sarili niya na ‘laos’ na siya o tapos na ang kanyang kasikatan? Ani ng actress, simula ng pumasok siya sa showbiz ay hindi naman daw kasikatan ang kanyang gusto noon sa buhay. Iniisip niyang mag-artista para sa pera lang, kung paano niya mabibili ang mga bagay-bagay na gusto niya, at makatulong din sa kanyang pamilya lalo na sa lola niya na nagpalaki sa kanya.
Kaya noong sumikat siya at kumita, feeling ni Rufa Mae na natupad na ang kanyang pangarap. Nang unti-unti nang naglaho ang kinang ng kanyang kasikatan at nag-asawa ay tanggap daw ito ni Rufa Mae. Aminadong nag-alala rin siya kung makababalik pa ba siya sa showbiz.
Pero ngayon ay nagbago na rin ang kanyang pananaw sa showbiz, gusto niyang magbalik hindi para magkamal ng pera kundi maging isang artista, gawin ang mga role na hindi niya nagawa at kahit pa kontrabida role basta hahamon sa kanyang kakayanan bilang aktres.