(Sa ilalim ng Alert Level 2) 200K WORKERS BALIK-TRABAHO

Ruth Castelo

HANGGANG 200,000 manggagawa  ang inaasahang balik-trabaho kasunod ng pagluluwag sa COVID-19 restrictions sa Metro Manila sa Alert Level 2.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, ang pagbabalik sa trabaho ng mga manggagawa ay makikita sa karagdagang 20% capacity na pinapayagan para sa mga negosyo — indoor establishments sa 50% mula 30%, at outdoor establishments sa 70% mula 50%.

“According to DTI estimates, we have around 100,000 to 200,000 jobs na makakabalik [that will return],” pahayag ni Castelo sa Laging Handa virtual briefing.

Ani Castelo,  base sa pagtaya ng National Economic and Development Authority (NEDA), may 15,000 manggagawa ang inaasahang magbabalik sa trabaho sa weekly basis.

Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay may 3.16 milyong Pilipino ang walang trabaho noong November 2021.

Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng Alert Level 2 mula  November 5, 2021  at itinaas sa Alert Level 3 noong January 3, 2022 dahil sa biglang pagsipa ng COVID-19 cases matapos ang holiday season.

Ibinalik ang National Capital Region at iba pang mga lugar sa bansa sa Alert Level 2 mula February 1 hanggang February 15 dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19.