MAKATATANGGAP din ng ayuda ang households na apektado ng COVID-19 sa ilalim ng Bayanihan 3.
Ito ang ipinahayag ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda sa kabila ng pag-amin ni Budget Secretary Wendel Avisado na walang mahuhugutang pondo ang pamahalaan para sa isinusulong na P405.6 billion na Bayanihan to Arise as One Act.
Ayon kay Salceda, may nakapaloob sa Bayanihan 3 na P5,000 hanggang P10,000 na ayuda para sa bawat household na apektado ng COVID-19 pandemic.
Paglilinaw ni Salceda, hindi ito ‘universal’ tulad sa P2,000 o P216 billion na cash asssistance kung saan lahat ng 108 million na mga Filipino ay makatatanggap.
Aniya, ang ‘household’ ayuda na ito ay ‘targeted’ at ibabase sa pinakamahihirap na bahagi ng populasyon.
Ito, aniya, ay ‘top-up’ o dagdag lamang sa mga tulong na puwedeng makuha ng mga Filipino sa ilalim ng Bayanihan 3.
Samantala, tiniyak naman ni Salceda na ang isinusulong ng Kongreso na pagpopondo sa Bayanihan 3 ay magmumula sa mga bagong revenue stream dahil kinokonsidera nila na anumang sources na mayroon ngayon ay posibleng nagamit na rin sa ilalim ng regular budget.
Bunsod nito ay magpupulong ang liderato ng Kamara kasama ang mga economic manager sa Mayo 12 upang maplantsa ang anumang pagkakaiba sa pagitan ng ‘spending side’ at ng ‘revenue side’.
Pinayuhan din ni Salceda ang mga kapwa mambabatas at mga counterpart sa economic team na huwag lamang sesentro o titigil sa fiscal limitations ng bansa dahil marami namang pagkukuhaan ng pondo ang Bayanihan 3 tulad ng buwis sa POGO at e-sabong. CONDE BATAC
737811 603306I observe there can be a lot of spam on this blog. Do you want aid cleaning them up? I may possibly aid in between courses! 626247
301065 940213How a lot of an significant content material, keep on penning significant other 446567
270246 411665Your blog has exactly the same post as an additional author but i like your much better.~:; 574983
91450 24932We are a group of volunteers and opening a new system in our community. Your web web site given us with valuable data to work on. Youve done an impressive job and our entire community will probably be grateful to you. 814872