(Sa kabila ng Taal eruption, COVID-19) P2.5-T COLLECTION TARGET NG BIR TULOY

BIR-2

PANANATILIHIN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang target collection goal nito na P2.5 trillion para sa 2020 sa kabila ng pagsabog ng Taal Volcano at ng outbreak ng coronavirus di­sease-2019 (COVID-19).

“We will not use these events transpiring now as reason for not achieving the goal and exceeding our gains obtained in 2019,” pahayag ni BIR Commissioner Caesar Dulay sa ‘National Tax Campaign’ kick-off sa Pasay City kamakailan.

“We will continue to work with excellence, efficiency so that the mandate given to this agency will be achieved with the cooperation and help of all,” dagdag pa niya.

Bagama’t nabigo sa kanilang collection goal noong nakaraang taon, ang BIR ay nagtakda ng P2.5-trillion revenue target para sa kasalukuyang taon.

Ang P2.5-trillion target ay mas mataas ng P400 million kumpara sa actual collection nito na P2.17 trillion noong 2019.

Gayunman, ang naturang revenue figures ay kapos sa P2.33-trillion goal noong 2019.

Comments are closed.