(Sa kanyang b-day sa May 21) NORA AUNOR GUMAWA NG MONO-VLOG ON YOUTUBE PARA SA FRONTLINERS

KUMUSTA na kaya ang Superstar ng Pilipinas sa panahon ng COVID-19?encounters with pm

May pahatid ang isa sa malalapit na tao kay ate Guy o Nora Aunor sa ngayon, si Robert Gannon.

“Sa darating na May 21 ay kaarawan ng Superstar na si Nora Aunor. Wala siyang selebrasyon pero may inihanda siyang regalo sa publiko at sa kanyang mga taga-suporta.

“Ito ay isang mono-vlog na pinamagatang ‘Lola Doc’ na mapanonood sa Tanghalang Pilipino Youtube channel na ginawa para sa multi-awarded actress para sa kanyang special day. Kuwento ito ng isang babae na nawalan ng asawa sa gitna ng isang krisis at kung paano haharapin ang sakit at pagsubok na dumating sa kanyang buhay.

“Napakahalaga ng proyektong ito kay Nora dahil ginawa rin ito para sa kawanggawa. Gusto kasi ng aktres at ng bumubuo ng produksiyon na makatulong sa mga frontliners na naapektuhan  ng COVID-19.

“Sana po maraming sumuporta sa “Lola Doc”. Ito po ay alay namin sa lahat ng frontliners at iba pang mga kababayan natin na patuloy na nagsasakripisyo at nagbubuwis ng kanilang buhay para matulungan po ang mga mahal nating kababayan lalo na po ang lahat na mga mahihirap na naapektuhan at patuloy na naaapektuhan pa rin po ng lockdown dahil sa COVID-19,” sabi ng aktres.

Hinihiling niya na magsilbi na sanang regalo sa kanyang kaarawan ang pagsuporta rito. Bilang ramdam ang epekto ng epidemyang dumating sa atin ay palagi siyang nanalangin sa Diyos na matapos na ang krisis na ito at bumalik na sa normal ang lahat.

“Sama-sama po tayong humingi ng awa at panalangin sa ating Panginoon na nawa’y matapos na po ang mga pagsubok na ito sa sanlibutan lalo na po sa ating bansa nang sa ganoon po ay bumalik na sa normal ang buhay po nating lahat.

“Panalangin po ang pinakamabisang sandata para malabanan po natin ang giyerang ito sanhi ng COVID 19.”

Labis din ang pakikiramay niya sa mga pamilyang naulila at nabiktima ng Covid-19.

“Nakikiramay rin po ako sa lahat ng pamilya na naiwanan po ng kanilang mga mahal sa buhay sa panahong ito ng krisis. Ako ay lubos na nalulungkot,” pahayag pa ng aktres.

Subscribe now http://youtube.com/tanghalangpilipino

#LolaDoc #PansamanTanghalan #TanghalangPilipino

#UtakPusoBayan

MARIAN RIVERA MAY LARAWAN NG  MAGMAMANA  NG KANYANG NAGING ROLE SA PELIKULA

TUWANG-TUWA kaming makita ang mga ibinabahaging videos ng aktres na si Marian Rivera sa kanyang social media accounts.

Bukod sa pagsisilbi niya bilang isang frontliner na nagbabahagi ng mga lutong bahay niya sa maraming pamilya, breaker for Marian na kunan ng pictures ang kanyang mga anak. Lalo na si Zia na hindi malayong sumunod sa yapak nila ng asawang si Dingdong Dantes.

Biniyayaan ng mga supling na babae at lalake sina Marian at Dingdong. Puspos na nga ang pag-ulan ng magandang buhay sa kanila kaya nagpapatuloy din sila sa pagbabalik nito sa kapwa.

Comments are closed.