MAYNILA- PATULOY na lumakaki ang bilang ng mga naisasalba ng mga doktor kaysa sa mga namamatay bunsod ng coronavirus disease (COVID-19).
Ito ay dahil mahigit sa 70 pasyente ng COVID-19 ang naitala ng DOH na nakarekober mula sa karamdaman sa nakalipas lamang na magdamag.
Dahil naman dito, umakyat na ngayon sa kabuuang 862 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling na matapos na tamaan ng virus.
“Today (Linggo), DOH announces seventy new recoveries. This brings the total number of recoveries to 862,” anunsiyo ng DOH.
Batay naman sa DOH COVID-19 case bulletin #043, hanggang alas- 4:00 ng hapon ng Abril 26, nakapagtala pa sila ng 285 bagong COVID-19 cases, kaya’t mula sa dating 7,294 lamang nitong Sabado, ay naging 7,579 na ang kabuuang bilang nito sa ngayon.
Binigyan naman sila ng DOH ng patient ID# na PH7,295-PH7,579.
“Total number of cases in the country is now at 7,579,” anang DOH.
Kaugnay nito, iniulat rin naman ng DOH na may pitong pasyente pa ang binawian ng buhay dahil sa virus, sanhi upang umakyat na sa 501 ang death toll ng COVID-19 sa bansa. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.