(Sa loob ng 3 buwan) PUV DRIVERS ‘DI KASALI SA TOLL HIKE SA CAVITEX

HINDI muna pagbabayarin ng dagdag na toll fee sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) ang mga PUV operator at driver sa loob ng tatlong buwan o 90 araw.

Ayon sa Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ito’y para makatulong sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, bus, at UV Express.

Ang pagtaas ng toll sa CAVITEX ay simula na ngayong Lunes, Agos- to 21.

Sinabi ni MPTC President and CEO Rogelio Singson na batid nila ang epekto ng toll hike sa Class 1 at Class 2 PUV drivers kaya nire-reactivate nila ang Abante Card program para makapagbigay ng kaluwagan sa panahon ng transition.

“We believe this program will help alleviate the financial burden on our valued PUV drivers and provide them with a smoother transition,” ani Singson.

Aniya, kailangan lamang irehistro ng mga operator o driver ang kanilang RFID account para lumang rate pa rin ang makaltaa sa kanila kada daraan sa CAVITEX.

Ayon sa Toll Regulatory Board (TRB), ang toll hike ay inaprubahan mata- pos ang masusing pagrebyu at pagsunod ng CIC at PRA sa itinakdang procedures at requirements.

Tinatayang nasa 160,000 motorista ang maaapektuhan ng taas-singil sa toll.