BINAWIAN ng buhay ang isang pasyente sa Valenzuela at isa din sa Navotas habang 44 ang nadagdag na confirmed cases sa mga nasabing lungsod at sa Malabon City nitong Miyerkules, Enero 13.
Nabatid sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), umabot na sa 128 ang active COVID-19 cases sa Valenzuela mula sa 108 noong nakalipas na araw.
Umakyat na sa 8,779 ang confirmed cases sa Valenzuela, 8,391 ang gumaling at ang pinakahuling namatay na pasyente ang pang-260.
Pito naman ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa Navotas at isa rito ang binawian ng buhay.
Dahil dito, sumampa na sa 5,507 ang tinamaan ng COVID-19 sa Navotas samantalang nasa 5,279 na ang gumaling, 172 na ang namatay at 56 ang active cases.
Ayon naman sa Malabon City Health Department na mayroong 18 pang nadagdag na confirmed cases sa lungsod nitong Enero 13.
Sa kabuuan ay 6,163 ang positive cases sa Malabon, 69 dito ang active cases.
Sa kabilang banda, walo naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling mula sa Barangay Baritan.
Umakyat na sa 5,858 na ang recovered patients ng lungsod at nananatiling 236 ang COVID-19 death toll. EVELYN GARCIA/VICK TANES
Comments are closed.