(Sa mas mababang taripa sa pork import) P5.4-B MAWAWALA SA GOV’T

Pork

TINATAYANG aabot sa P5.4 billion ang mawawala sa kita ng pamahalaan mula sa mas mababang taripa sa pork import ngayong taon.

Ayon kay Department of Finance (DOF) Undersecretary Antonette Tionko, mula April hanggang August 13 ay may P2.52 billion na ang nawala sa gobyerno.

“We are projecting a P5.4 billion revenue loss by the end of the year,” ani Tionko.

Magugunitang ipinatupad ang Executive Order (EO) 128, na nagpababa sa pork import tariffs sa 5 percent sa minimum access volume (MAV) at 15 percent sa labas ng MAV para sa unang tatlong buwan noong April 7 hanggang May 14.

Itinakda naman sa EO 134, ang pumalit sa EO 128, ang taripa sa pork imports sa ila­llm ng MAV sa 10 percent para sa unang tatlong buwan at 15 percent sa susunod na tatlong buwan.

Para sa imports sa labas ng MAV, ang taripa ay 20 percent para sa unang tatlong buwan at 25 percent sa susunod na siyam na buwan.

Ang one-year effectivity ng EO 134 ay nagsimula noong May 15, 2021.

Samantala, sinabi ni Tionko na nasa P11.39 million naman ang nawala sa pamahalaan mula June 2021 hanggang August 13 dahil sa mas mababang taripa sa bigas.

Sa pagtaya ng DOF, aabot sa P40.9 million ang revenue loss hanggang May 2022 base sa EO 135,  na pansamantalang nagbababa sa rice tariffs sa 35 percent mula 40 percent para sa in-quota imports at 50 percent para sa out-quota imports sa loob ng isang taon.

97 thoughts on “(Sa mas mababang taripa sa pork import) P5.4-B MAWAWALA SA GOV’T”

Comments are closed.