(Sa Mayo 22) CAVITEX TOLL RATE HIKE INIURONG

IPINAGPALIBAN ang nakatakdang pagtataas sa toll rates sa Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX).

Ayon sa CAVITEX operator Cavitex Infrastructure Corp. (CIC) at sa joint venture partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA), ang bagong toll rate para sa CAVITEX R-1 segment ay ipatutupad simula sa May 22, 202

Ang dagdag singil sa toll para sa CAVITEX R-1 ay nakatakda sanang magsimula nitong Mayo 12.

Ang mga motorista ay magbabayad ng P33.00 para sa Class 1 vehicles mula sa kasalukuyang P25.00; P67.00 para sa Class 2 mula P50.00; at P100.00 para sa Class 3 mula P75.00.

“The supposed implementation in Parañaque Toll Plaza last May 12 was deferred to provide more time for the registration of PUV (public utility vehicle) drivers and operators to the?toll reprieve program which allows them to continue to enjoy the old toll rates of?P?25 for Class 1,?P?50 for Class 2 through a rebate program,” paliwanag ng CIC.

“The toll reprieve program is system driven via the RFID, so all the PUVs operators and drivers?have to?do is enroll their account to the program in coordination with?their different transport organizations,” ayon pa sa kompanya.

Ayon sa CIC, ang toll reprieve program ay tatakbo sa loob ng 90 araw simula sa unang araw ng pagpapatupad ng bagong toll rates.

Ang bagong rates ay mula sa 2011 at 2014 periodic toll petitions, at add-on toll petition para sa enhancement works na isinagawa sa  expressway, na kinabibilangan ng bridge lane widening works.