AWTOMATIKONG ipatutupad ang price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa bagyong Odette.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, mahigpit na binabantayan ng ahensiya ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
“Kapag idineclare po ang state of calamity iyong mga areas na iyon by their respective LGU heads ay may automatic ho na price freeze. At iyon po ‘yung kailangang subaybayan pa natin dahil ongoing po iyong bagyo,” sabi ni Lopez.
Sa monitoring ng DTI ay wala pa naman aniyang naitatalang pagtataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Dagdag pa ng kalihim, sa kasalukuyan ay matatag pa ang suplay ng pagkain sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.