UMIIRAL ang price freeze sa basic goods sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa epekto ng bagyong Egay, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sa isang statement, binalaan ni Trade Secretary Alfredo Pascual ang mga establisimiyento na lalabag sa price freeze.
Sa ilalim ng Republic Act 7581, o ang Price Act, as amended by RA 10623, ang presyo ng basic necessities ay awtomatikong nakapirmi sa umiiral na presyo ng mga ito sa loob ng 60 araw sa sandaling ideklara ang state of calamity (SOC) sa isang lugar.
“The price freeze shall be automatically terminated after 60 days “unless sooner lifted by the President,” ayon kay Pascual.
“We are currently in close coordination with our Regional and Provincial Offices within the affected areas to monitor the situation of our kababayans and to ensure the stability of prices and availability of supply of products under our jurisdiction,” aniya.
“We also activated our monitoring teams to check if establishments are complying with the price freeze. We at DTI will take immediate action against those who will be caught doing unfair and unjust sales practices,” dagdag pa niya.
Kabilang sa mga produktong binabantayan ng DTI ang canned fish, locally manufactured instant noodles, bottled water, bread, processed milk, coffee, candles, laundry soap, detergent, at salt.
Sa ilalim ng Price Act, ang business establishments na lalabag sa price freeze ay mahaharap sa parusang pagkabilanggo ng isang taon hanggang 10 taon, pagmumulta ng P5,000 hanggang P1 million, o pareho.