(Sa MGCQ areas) LEISURE TRAVEL MULA NCR PLUS PUWEDE NA

DOT

PINAYAGAN na ang leisure travel mula sa NCR Plus patungo sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community (MGCQ), ayon sa Department of Tourism (DOT).

Gayunman, ang pagbiyahe ay point-to-point lamang, na nangangahulugan na bagaman pinapayagan ang pit stops o stopovers para kumain at sa mga personal na pangangailangan, hindi maaaring magsagawa ng side trips sa ibang tourism destinations.

Ayon sa DOT, ang mga may edad 18 pababa at  65 pataas ay kailangang magprisinta ng COVID-19 test result, subalit kalaunan ay nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang ang lahat ng travelers ay kailangang sumailalim sa test bago ang kanilang pagbiyahe.

“Allowed na ang interzonal, pero kinakailangan po point-to-point lamang. Wala po siyang age restrictions pero meron pong testing-before-travel requirement,” aniya sa isang media briefing.

Ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na tinatawag na NCR Plus, ay nasa ilalim ng  general community quarantine (GCQ) mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 15.

Samantala, inanunsiyo ng Aklan provincial government na pinapayagan na nito na makapasok sa Boracay ang mga turista mula sa NCR Plus.

Sinabi ni Aklan Provincial Inter-Agency Task Force Chairperson Selwyn Ibarreta na nagbigay ng ‘go signal’ si Governor Florencio Miraflores na tumanggap ng mga turista matapos ang  virtual meeting sa DOT. Ang lalawigan ay nasa ilalim ng MGCQ.

4 thoughts on “(Sa MGCQ areas) LEISURE TRAVEL MULA NCR PLUS PUWEDE NA”

Comments are closed.