DALAWANG Filipinos boxers ang nagtala ng stoppage wins habang ang isa ay napabagsak sa magkahiwalay na events nitong weekend.
Sa Miami ay ginapi ni Mark Bernaldez si Julian Evaristo Aristule sa third round ng kanilang super featherweight showdown sa Manuel Ar-time Community Center Theater.
Sa panalo ay nakabawi ang 26-anyos na si Bernal dez sa unanimous decision loss kay Albert Bell noong nakaraang Hulyo.
Umangat ang Pinoy sa 21-4 na may 15 knockouts.
Nagtala rin si welterweight Jameson Bacon ng stoppage win sa parehong fight card kung saan binugbog niya si Gonzalo Carlos Dallera sa dalawang rounds.
Tulad ni Bernaldez ay nakabalik si Bacon sa win column matapos ang points loss kay Darragh Foley sa kanyang huling laban sa Sydney, Australia noong nakaraang Nobyembre.
Si Bacon ay umangat sa 24-4 na may 16 knockouts.
Samantala, bigo si John Vincent Moralde sa kanyang laban kay Jose Enrique Vivas ng Mexico sa New York, sa undercard ng Lomachenko-Lopez showdown.
Natalo si Moralde makalipas lamang ang isang minuto at 16 segundo sa kanilang featherweight match sa MGM Grand Conference Center. Bumagsak siya makalipas ang 34 segundo, nakatayo, subalit muling bumagsak nang tamaan ng left hook ni Vivas.
Ito ang ikalawang knockout defeat ni Moralde, 26, sa kanyang huling apat na laban. Nahulog siya sa 23-4 rekord.
Comments are closed.