(Sa muling pagbubukas ng gyms, fitness centers) 22K WORKERS BALIK-TRABAHO

DTI Sec Ramon Lopez

HINDI bababa sa 22,000 manggagawa ang inaasahang makababalik sa trabaho sa muling pagbubukas ng gyms, fitness centers, at iba pang indoor non-contact sports facilities sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ito ang inihayag ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez makaraang payagan na ng gobyerno ang muling pagbubukas ng naturang mga pasilidad sa 30% capacity, sa kondisyong makakakuha sila ng Safety Seal certificate.

“22,000 workers will be able to return to work, so this is a big help to the industry,” pahayag ng kalihim sa Laging Handa briefing.

Ayon kay Lopez, ang 22,000 manggagawa ay magmumula sa 2,000 establisimiyento.

Tatlong araw bago payagan ang muling pagbubukas ng gyms at fitness centers, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nasa 4.14 milyong Pinoy ang walang trabaho noong Abril, mas mataas sa  3.44 milyon na naitala noong Marso, dahil sa muling paghihigpit ng quarantine restrictions sa NCR Plus.

Ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal  ay muling isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) noong March 27 hanggang April 12, isang protocol na ang pinapayagan lamang mag-operate ay  essential trips at businesses.

13 thoughts on “(Sa muling pagbubukas ng gyms, fitness centers) 22K WORKERS BALIK-TRABAHO”

Comments are closed.