(Sa NCR Plus bubble) GYMS, SPAS, INTERNET CAFES SARADO MUNA

Ramon Lopez

INIUTOS kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pansamantalang pagpapasara sa gyms, fitness centers, spas at full body massage places, at internet cafes sa Metro Manila at sa mga karatig-lalawigan sa loob ng dalawang linggo.

Ang kautusan ay nakapaloob sa Memorandum Circular No. 21-11, series of 2021, na nilagdaan ni Trade Secretary Ramon Lopez noong Marso 23 sa layuning matugunan ang tumataas na kaso ng COVID-19.

Ipinalabas ng DTI ang memo makaraang ihayag ng Malakanyang na nagkasundo ang Metro Manila mayors sa dalawang linggong pagpapasara sa gyms, spas, at internet cafes sa ‘NCR Plus’ bubble period na mula Marso 22 hanggang Abril 4.

Sa ilalim ng NCR Plus bubble policy, ang mga residente ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ng Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna ay hindi maaaring lumabas ng NCR Plus border maliban na lamang kung ito’y isang essential trip tulad ng pagpasok sa trabaho.

Ipinagbabawal din sa NCR Plus bubble restriction ang mga tao sa labas ng bubble na pumasok sa lugar maliban na lamang kung ito’y isang essential trip.

One thought on “(Sa NCR Plus bubble) GYMS, SPAS, INTERNET CAFES SARADO MUNA”

Comments are closed.