(Sa pag-post ng hinihinalang anak nina Lloydie at Ellen) BEAUTY GONZALEZ BINATIKOS NG NETIZENS

BEAUTY GONZALEZ

KUNG pagbabasehan ang latest post sa Instagram ni John Lloyd Cruz ay masasabing loving husband ito.hotshots

Nag-upload kasi siya ng larawan ng white shirt na nakasampay at say niya sa caption ay kanyang ni­labhan.

“Sobrang  ganda ng paglaba ko, kumikinang sa puti,” ang caption ni Lloydie na ikinaaliw ng netizen.

Huling balita nga kay Lloydie, bago ito ay ang  pagbabakasyon nila ni Ellen sa beach na kung saan kasama nila si Beauty Gonzales.

Ipinost kasi ni Beauty ang mga larawan nila sa bakasyon na kung saan ay nakatanggap tuloy siya ng batikos sa social media. Isinama kasi niya pati ang hi­nihinalang anak nina Ellen at Lloydie sa social media.

Marami tuloy netizen ang nag-react sa ginawang post ni Beauty. Sabi nga ng trolls, may consent daw ba ito ng controversial  couple?

Sabi naman ng iba ay umepal daw ba si Beauty dahil sa ginawa nitong pagsi-share ng video ng mag-anak.

Pagtatanggol naman ng isang netizen na pinagkakatiwalaan na raw ng controversial  couple si Beauty kaya okey lang itong mag-share ng video nina Ellen, Lloydie at anak nila na si Elias.

Kung sabagay,  kahit na anong tago ay siguradong lalabas at lalabas din ito dahil wala naman lihim na hindi nabubunyag.

ANGEL LOCSIN ‘DI PINABORAN NG BF ANG ACTION SCENES

NAG-ALALA at natakot ang businessman/producer na si Neil Arce sa ginawa ni Angel Locsin na angel locsinmakikita sa Instagram ng actress.

Nag-viral  kasi ang stunt routine ni Angel sa The General`s  Daughter na kung saan ay umakyat at bumababa ito sa mataas na building na lubid lang ang kanyang hawak. Masasabing buwis-buhay ang eksena dahil isang manipis na metal wire lang ang tanging humahawak kay Angel para proteksyon sa posibleng aksidente.

Knowing Angel na isang professional actress ay gagawin ang lahat ng eksena na hindi gumagamit ng dobol. Siya na mismo ang gagawa kaysa kumuha ng ka-dobol, na siya namang hinahangaan sa kanya ng mga follower.

Pero hindi pabor ang boyfriend ni Angel na si Neil sa naging comment nito.

“Ayan nanamaaaaaa!”

Hindi naman negative ang reaksyon ni Neil kundi pag-aalala lang sa ginawang delikadong eksena ni Angel.

‘Di nga ba may instance na biglang sumasakit ang likuran ni Angel at ito ay muling nangyari nga sa actress na siyang dahilan kaya na-pack-up ang taping ng kanyang serye.

Sa interview kay Direk Erik Matti, na original director ng Darna ay nasabi nito na matapos ang isang taon ay puwede nang mag-stunt at action si Angel.

Sa ngayon ay mahigit dalawang taon na ang nakalipas at maaaring hilom na ang iniindang sakit sa likuran ni Angel.

Pero siyempre marami  pa rin ang nag-aalala sa kalagayan ng actress na sa isang maling aksidente ay baka mas matindi pa ang mangyari (na sana ay hindi mangyari).

Comments are closed.