(Sa pagbabalik ng aksiyon sa Governors’ Cup) TROPANG GIGA FULL FORCE

BUO ang lineup ng TNT Tropang Giga sa pagpapatuloy ng PBA Governors’ Cup sa Pebrero 11.

Ayon kay coach Chot Reyes, magbabalik sina Kib Montalbo at Troy Rosario sa roster at maglalaro sa unang pagkakataon ngayong conference.

“Kib Montalbo is already practicing fully, and Troy Rosaio is practicing fully, and by the resumption of the PBA, I expect to have both of them back,” sabi ni Reyes.

Si Montalbo ay sumailalim sa operasyon para sa meniscal tear makaraang makopo ng Tropang Giga ang Philippine Cup title sa loob ng Bacolor bubble, habang si Rosario ay nagtamo ng spinal shock at dislocated pinky sa kaparehong all-Filipino Cup finals.

Ang pagbabalik ng dalawa ay magandang balita para sa TNT na nahirapan para manatili sa loob ng  .500 mark (2-2) bago ang month-long break.

Ang Tropang Giga ay kasalukuyang nasa Malarayat sa Batangas para sa kanilang training camp bilang paghahanda sa restart ng conference.

Ang TNT ay huling naglaro noong Dec. 26 kontra  Rain or Shine at ipinarada ang kanilang bagong import na si Aaron Fuller, na pumalit kay injured McKenzie Moore. CLYDE MARIANO