MUNTINLUPA CITY – DALAWANG opisyal ng pulis na umano’y nag-utos sa dalawang pulis na kasama sa 16 na nagtangkang magpuslit ng kontrabando sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) ang kasalukuyang iniimbestigahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ayon kay NCRPO chief, Brig. Gen. Debold Sinas, ang dalawang opisyal ng pulis na umano’y nagbigay utos na magpasok ng sigarilyo at alak sa NBP ay may ranggong police staff sergeant at police corporal.
Hindi naman ibinunyag ni Sinas ang pangalan ng dalawang opisyal habang sila ay nagsasagawa pa ng imbestigasyon laban sa mga ito.
Dagdag pa nito, na ang dalawang opisyal ng pulis ay nag-report na sa kanya at nagbigay na rin ng kanilang pahayag sa nasabing insidente.
Ang dalawa pang pulis na kasama sa 16 na nahulihan ng kontrabado ay nagbigay na rin ng kanilang pahayag.
At kung mapatutunayan ang ginawang paglabag ay maaring matanggal ang mga ito sa kanilang mga serbisyo. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.