(Sa pagdiriwang ng National Arts Month) PAGKILALA SA OBRA NOON AT NGAYON

National Arts Month

ANG Pebrero ay tinaguriang National Arts Month at ito ay matinding hamon sa mga alagad ng sining, lalo na sa panahon ng pandemya.

Sa taunang pagdiriwang na ito ay mistulang nagtatagpo ang mga sinaunang obra ng mga tinaguriang masters at makabagong obra naman ng mga millenial sa pagdaraos ng mga exhibition.

Nagbukas nitong ikalawang linggo ng Pebrero ang M Gallery sa Pasay City na pag-aari ni  Ms. Jeane Monteverde kung saan itinampok ang exhibit na Pagdadakila sa Sining Mabini: Honoring the masters of Mabini Art kung saan makikita ang obra ng mga pre-war artist  na sina Crispin Lopez sa Taong 1966,   Gabriel Custodio (1954, 1956),  Miguel Galves (1948), Simeon Saulog (1971), Salvador Cabrera (1984), Cesar Bue-naventura (1980) at marami pang iba.

Kinilala ang kanilang artworks sa abroad at  nai-display sa lobby  ng United Nations Headquarters sa New York.

Nagpakita naman ng  kanilang mga husay sa art works ang Angono Ateliers group sa Random Thoughts exhibit sa Unimart sa Capitol Commons sa Pasig City.

Si Prof. August Santiago ang organizer at curator rito.Matutunghayan ang artworks nina Nemi Miranda, Dolphee Alcantara, Cecile Artillaga, Aaron Bautista, sculptor na si Arnel Borja at marami pang iba.

Comments are closed.