(Sa pagdiriwang ng Nat’l Teachers’ Month)P1K INCENTIVE SA MGA GURO

MAPAPASAKAMAY ng mga guro sa pampublikong paaralan ang P1,000 insentibo. Tiniyak ito ng Department of Education (DepEd) bilang pagdiriwang sa National Teachers’ Month mula September 5 hanggang October 5.

Binigyang-diin ni DepEd Spokesman Michael Poa na mahalagang papel ang ginagampanan ng mga guro sa pag-aalaga ng mga mag aaral.

Tiniyak ni Poa na hindi sila mapapagod pakinggan ang mga hinaing ng mga ito bagama’t hindi, aniya, mabibigyan ng agarang solusyon ang kanilang mga concerns

“We will continue with the P1,000 incentive para sa pagpupugay sa ating mga teachers,” aniya.

Magsasagawa rin ang DepEd ng programa sa National Teachers’ Day sa October 5.

Nauna na ring pinapurihan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio ang mga guro para sa kanilang mga sakripisyo at pagpupunyagi para makapagbigay ng dekalidad na edukasyon sa mga mag-aaral, in-person man o online.