(Sa pagluluwag sa community quarantine restrictions) NAGSARANG NEGOSYO NABAWASAN

Trade Secretary Ramon Lopez

BUMABA sa 10 percent noong Hunyo ang bilang ng mga negosyong nagsara sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sa pagdinig ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship,  sinabi ni DTI Sec. Ramon Lopez na sa pagluluwag sa community quarantine restrictions ay maraming negosyo ang muling nagbukas.

Ayon kay Lopez, ang mga establisimiyento na ‘fully operational‘ hanggang noong Hunyo ay nasa 44 percent, habang ang partially opened subalit hindi pa nasa ‘full capacity‘ ay nasa 46 percent.

Noong isailalim ang National Capital Region (NCR) Plus sa enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ (MECQ) ang mga nagsarang negosyo ay umakyat sa 16 percent.

Gayunman, ang numero noong Hunyo ay mataas pa rin kumpara sa noong bago muling ipinatupad ang ECQ at MECQ sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.

Sa datos, ang mga nagsarang negosyo noong Marso ay nasa 4.3 percent lamang, ang mga nasa  partial operation ay 39.3 percent, at yaong nasa full operation ay 56.4 percent.

Bukod sa pagkaunti ng mga nagsarang negosyo sa pagluluwag ng restrictions, sinabi ni Lopez na ang bilang ng mga kompanya na nag-ulat ng pagbagsak ng benta ay bumaba sa 53.8 percent noong Hunyo mula sa 61.7 percent noong Mayo at 67.8 percent noong Marso.

Ayon pa sa kalihim, ang paglipat ng NCR Plus sa general community quarantine ay nagbaba sa bilang ng tinatayang displaced workers sa 765,454 mula sa mahigit  1.4 million na walang trabaho noong MECQ.

“As we are reopening, we are able to bring back jobs and basically be able to reduce the unemployment figures,” dagdag pa niya. PNA

5 thoughts on “(Sa pagluluwag sa community quarantine restrictions) NAGSARANG NEGOSYO NABAWASAN”

  1. 999838 987537Most beneficial human beings toasts ought to amuse and present give about the couple. Beginner audio systems previous to obnoxious throngs would be wise to remember often the valuable signal employing grow to be, which is to be an individuals home. finest man speech examples 3650

Comments are closed.