ANG apela ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na luwagan ang mga paghihigpit sa mga simbahan at ibang lugar ng pananambahan ay nagbigay pag-asa sa mga lider ng iba’t-ibang ministeryo ng simbahan.
Sinabi ni Willy Lasac ng Worldwide Soul Winners na si Marcos ay instrumento ng Diyos upang patibayin ang simbahan sa panahong ito ng hirap at walang katiyakan.
“Pinapahalagahan namin ang iyong puso Senador Bongbong Marcos dahi sa paglagay mo sa iyong sarili sa aming lugar at sa pagmamalasakit sa aming kagalingang pisika, social at pangkaisipan. Ikaw ay instrumento ng Panginoon para sa panahong ito upang ang simbahan ay maging ayon sa ninanais ng Diyos at kailangan sa atin,” sabi ni Lasac sa kanyang pahayag.
Para naman sa Cenacle Harvest Ministries, sinabi nilang ang pagkaunawa ni Marcos sa kanilang sitwasyon ay pagpapakitang siya ay pinalaki sa isang tanahanang may takot sa Diyos.
“Sa puntong ito, kami ay kumakapit lamang sa aming pananampalataya upang pasiglahin ang aming sarili at hindi kainin ng takot, walang kapanatagan at pagkabalisa. Kami ay tumintingala sa simbahan bilang isang ahente ng pagbabago na gagawin ang misyon ng Panginoon para sa pagpapanumbalik at muling pagkakasundo at pagkabuo sa harap ng pagkasira, paglayo at pagkakasakit. Ikaw ay pinalaki sa isang tahanang may tako sa Diyos at pinapahiwatig ito sa iyong pagkaunawa sa aming suliranin ngayon,” sinabi ng ministeryo sa isang pahayag.
Samantala, sinabi naman ni Pastor Kenneth Andrew Durante ng Biyaya ng Diyos Revival Church na ang simbahan ang pinagpala dahil ipinaglalaban ni Bongbong na mabigyan ng oportunidad ang mga simbahan at iba pang mga lugar ng pananambahan habang ang bansa ay lumalaban sa pandemya.
“Sinusuportahan namin si dating Senador Bongbong Marcos sa kanyang layunin na buksan ang lahat ng mga bahay sambahan habang may pandemya. Pinagpala kami dahil may isang katulad niyang tumayo at nagka-inisyatibo na magtrabaho para sa simbahan upang mabigyan ng oportunidad ang mga tao na ipahayag ang kanilang pananampalataya at paniniwala na si Jesus ay ang ating pinagpalang pag-asa sa pandemyang ito,” sabi pa ni Durante.
874826 873586Its excellent as your other articles : D, regards for posting . 47575
653417 74522I discovered your blog site on google and verify a couple of of your early posts. Continue to maintain up the superb operate. I just extra up your RSS feed to my MSN News Reader. Seeking for forward to reading extra from you in a while! 232854
189386 175485Hello I found the No cost Simple Shopping Icons Download | Style, Tech and Internet post very fascinating therefore Ive included our track-back for it on my own webpage, continue the excellent job:) 88778
112527 170110Wow What great data. Thank you for the time you spent on this post. 818013