NABABAHALA si Senador Win Gatchalian sa tinatawag niyang posibleng “education at economic scars” na maaaring idulot ng pagsasara ng mga paaralan dahil sa pandemya ng COVID-19.
Isinusulong ni Gatchalian ang pilot testing ng limited face-to-face classes sa mga low-risk area.
Sa briefing ng Development Budget Coordinating Committee (DBCC) sa panukalang 2022 National Expenditure Program (NEP), ibinahagi ni Gatchalian ang 2020 report ng Asian Development Bank (ADB) kung saan tinatayang nagdulot ng pagkawala ng P1.9 trilyon o katumbas ng higit 10 porsiyento ng Gross Domestic Product (GDP) ang pagsasara ng mga paaralan noong School Year 2020-2021.
“Hindi lamang ang mag-aaral ang nakararanas ng ‘education scarring’, pati ang ekonomiya natin napipinsala dahil sa productivity losses,” ani Gatchalian sa matagal nang pagsasara ng mga paaralan.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua, nilinaw ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mga numerong ito sa ADB. Sinabi ng ADB na maaaring mas mataas pa ang halaga ng pinsalang idinulot ng mahigit isang taon na pagsasara ng mga paaralan.
Sa pagtaya naman ng NEDA, P11 trilyon ang maaaring mawala sa bansa sa susunod na 40 taon dahil sa pagsasara ng mga paaralan.
Ibinahagi rin ni Gatchalian ang iba pang mga resulta sa pag-aaral ng ADB. Para sa mga mag-aaral ng K-12, ang kasalukuyang halaga ng nawalang productivity ay P1.68-T. Kung kalahati (50%) naman o 200,000 sa 410,000 guro at kawani ng mga pribadong paaralan ang nawalan ng trabaho, ang kawalan ng sahod noong School Year 2020-2021 ay tinatayang aabot sa P16 bilyon.
Dahil may isang nakatatandang kinakailangang umalalay sa mga mag-aaral sa kanilang distance learning, 11 porsiyento ng workforce ang kinailangang huminto sa trabaho. Ito ay nagdulot ng pagkawala ng P225 bilyon sa ekonomiya.
“Naniniwala ako na ‘yung iba nating mga mag-aaral ay hindi na makakabalik sa mga paaralan dahil noong nakaraang taon, may halos dalawang milyong mga mag-aaral ang nag-drop out, kabilang ang mga mag-aaral sa Alternative Learning System. Ikina-katakot ko na baka hindi bumalik ang mga mga mag-aaral na ‘to sa ating paaralan at mapipinsala nito ang ating workforce,” pahayag ng chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.
Dahil naman napabilis ng pandemya ang pagpapalawig sa paggamit ng teknolohiya, binigyang-diin ni Gatchalian na kinakailangan ang mga programa upang matulungan ang sektor ng pagnenegosyo lalo na ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na maging handa para sa post-COVID economy. Kabilang, aniya, sa mga kinakailangang programa ang upskilling ng mga manggagawa. VICKY CERVALES
804936 399145You may be websites successful individuals, it comes effortlessly, therefore you also earn you see, the jealousy of all of the ones a lot of journeymen surrounding you can have challenges within this challenge. motor movers 775909
264095 531413The write-up posted was really informative and helpful. You men and women are performing a great job. Maintain going. 236025
510076 454232You produced some decent points there. I looked online for that dilemma and discovered many people goes coupled with with all your website. 865811